will you teach a wretch to live

ask her ask when (ask and ask and ask again and)ask a brittle little person fiddling in the rain (did you kiss a girl with nipples like pink thimbles) ask him ask who (ask and ask and ask ago and)ask a simple crazy thing singing in the snow

Friday, January 21, 2005

 

ginaw

nanunuot sa aking mga buto ang lamig na hatid ng hanging itinaboy mula sa lagoon. ang yapos ng manipis na sarong ang tanging nagbibigay ginhawa sa naninigas kong kalamnan. salamat sa gwapitong nasa kabilang mesa na mata pa lamang ay nagbibigay init na sa aking marupok na katawang lupa. nakakabingi ang aklatan. sumisigaw ang mga debit at credit, naghihintay sa pagbalanseng kanina ko pa dapat natapos. humihiyaw si mishkin at ang kanyang mga kawal ng bonds and stocks ng katarungan, humihingi na kaunting panahon upang sila ay aking bigyang pansin. mahapdi. hindi lamang ang sugat sa aking labi na naghihintay ng kendi, pati na rin ang aking kaluluwang matagal ng naghahanap ng kasagutan sa mga tanong na tanging kawalan lamang ang nakakaalam. nasaan ang aking payong? nasaan ang nagsisilbing panangga sa init ng makamundong temptasyon at malalakas na buhos ng kawalang pag-asa. nasa harap ko lamang ang pulang ballpen na sumasagisag sa mga paninidigang matagal ko na sanang pinanghawakan. kailanman ay hindi maaaring magtext habang sumusulat. iisa lamang ang aking kanang kamay. umiiyak ang apoy. nakangiti ang tubig. nanginginig ako.

Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

Archives

January 2005   February 2005   March 2005   April 2005   May 2005   July 2005   August 2005   May 2007  

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

Subscribe to Comments [Atom]