will you teach a wretch to live

ask her ask when (ask and ask and ask again and)ask a brittle little person fiddling in the rain (did you kiss a girl with nipples like pink thimbles) ask him ask who (ask and ask and ask ago and)ask a simple crazy thing singing in the snow

Sunday, May 15, 2005

 

Mabuhay Ka, Pilipino!!!

ISangdaang taong kasaysayan ang lumipas

kalayaang pinaglaban

bukambibig mong binibigkas

kasarinla'y nakamtan dahil sa dugong ibinuwis

kasama ng mga luha, taghoy, pagod at hinagpis


nahan ka na sa iyong kinalalagyan

sa gitna ng makabuluhan, makulay mong kasayasayan

ipadama, ipagbunyi at panatilihing laging gising

makabayang mithiin ng puso, diwa't damdamin


malaya ka na pilipino

kagitingan mo'y isisigaw

sa buong mundo

kasarinlan at kalayaan

hinding hindi pababayaan

taglay ang bagong anyo ng pag-asa

pilipino aking kapatid mabuhay ka ahhh




hinaharap mo ngayo'y samut saring pakikipaglaban

upang kapayapaa'y makamtan at magapi ang kahirapan

sussulong kang di papipigil,

di iiwas sa hamon ng kaunlaran lalo kang lumalakas




malaya ka na pilipino

kagitingan mo'y isisigaw

sa buong mundo

kasarinlan at kalayaan

patuloy kong ipaglalaban

taglay ang bagong anyo ng pag-asa

pilipino aking kaibigan mabuhay ka ahhhh




mula noon

hanggang ngayon

sa mindanao, visayas at luzon

kabayaniha'y mo'y nanaig

pagkat inang baya'y iniibig

iniibig




malaya ka na pilipino

kagalingan mo'y isisigaw

sa buong mundo

kasarinlan at kalayaan

hinding hindi pababayaan

taglay ang bagong anyo ng pag-asa

pilipino aking kababayan mabuhay ka ahhhh




Pilipino mabuhay ka..!!!!




Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

Archives

January 2005   February 2005   March 2005   April 2005   May 2005   July 2005   August 2005   May 2007  

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

Subscribe to Comments [Atom]